flinky

i'm fragile in your midst

delayed feeling of pain

hindi ako magaling sa paglimot, bawat nangyayari ngayon bakit tila kakabit pa rin ng kahapong nangyaring kay sakit, bakit ngayon ako ang nagsisisi, ako ang nasasaktan?hindi ko kaya ang ganitong damdamin, mabigat, masakit gusto kong takasan, ngunit paano?

ngayon, puno ako ng hinala, puno ng negatibong bagay sa isip, di ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero may posibilidad din namang tama ang lahat, dahil kilala ko sya sa mga ganong bagay, sobra akong naguguluhan.

mali ba ang nagawa kong desisyon?bakit ngayon lang ako nakakaramdam ng masmatinding sakit?bakit ngayon lang ako nagkakaganito?

ngayon halos lumutang sa kaligayahan

kahapon ay tila nakalimutan

tanong ko sa’yo ano nga ba ang iyong kaylangan?

o pag-ibig lang ba ang gustong patunayan?

kalimutan ang mundo

kalimutan ang lahat

gusto kong lumipad kasama ang mga ulap

makasama ka, sana, pwede ba?